Event details
- September 11, 2026
- 8:00 A.M
- Lalud, Calapan City, Oriental Mindoro
- +63 43 288 9470
Noong Agosto 24, 2026, naganap ang Signing of Memorandum Agreement sa pagitan ng Saklaw Foundation, Inc. at PhilHealth – LHIO Oriental Mindoro, na naglalayong maipakilala at mailapit sa mga benepisyaryo ang programang YAKAP at ang mga serbisyong nakapaloob dito.
Ngayong araw, isinagawa ang YAKAP PhilHealth Orientation & Registration katuwang ang programang Ugnayang Barangay at Simbahan (UBAS) ng Barangay Lalud at St. Benedict Parish, na dinaluhan ng ating mga miyembro. Naging pagkakataon ito upang matulungan ang mga hindi pa rehistrado sa PhilHealth na makapagparehistro at ang mga miyembro na ma-update ang kanilang impormasyon.
Ipinakilala rin sa mga dumalo ang Yaman ng Kalusugan Program (YAKAP), isang programang nakatuon sa preventive at primary health care, at ang mga YAKAP Clinics na maaari nilang puntahan para sa mga serbisyong pangkalusugan. Dumalo rin ang St. Therese of Avila Diagnostic and Medical Center upang ipakilala ang kanilang mga serbisyo bilang isa sa mga YAKAP-accredited clinics.
Sa pamamagitan ng mga ganitong programa, mas napapalapit sa ating mga benepisyaryo ang mga serbisyong pangkalusugan na nararapat nilang matanggap. Patuloy na isusulong ng SFI ang mga programang nag-uugnay sa ating mga miyembro sa mga serbisyong makatutugon sa kanilang pangangailangang pangkalusugan at makapagpapabuti sa kanilang kapakanan.
